Quote of the Month

August, 2013: lost in space- "...you are the one thing that keeps me smiling, that's why i'm always wishing hard for you. 'cause your light shines so bright, i don't feel no solitude. you are my first star at night, i'd be lost in space without you." - Lighthouse Family

Monday, August 8, 2016

cinemalaya



Nakagawian ko na na makiisa sa taunang Cinemalaya Festival. Ginagawa ko na ito sa nakalipas na anim na taon. Ngayong taon ang itinuturing ko na pinakamasaya kasi walo kaming magkakasama. Dati, isa o dalawa lang ang recruit ko. Ngayon, mas marami, mas masaya, mas magulo. LOL

Kaya nuong sabado, matapos manuod ng olympic opening, diretso kami sa CCP para habulin ang 10am first screening. Limang full length films in competition ang pinanuod namin hanggang 11pm. Imagine that? Kung paano namin nasurvive, ganito. :)

1. Bumili kami ng One Day Pass (5 screening for Aug 6, Sabado) a week ago. Mabuti na lang may available pa kasi mabilis ma-sold out. 
2. Dumating kami an hour earlier para mauna sa pila. Free seating kasi at walang seat reservation. At dahil madami kami at gusto namin magkakatabi, dapat maaga kami sa pila.
3. Every screening have 45mins interval. Ang ginawa namin, galing sa isang theater, diretso na kami pila sa susunod na theater para una lagi sa pila. Sa dami ng tao, mahirap mahuli otherwise, walang pag-asa na magkakatabi kami.
4. Ginawa namin yan sa limang pelikula na magkakasunod. Literally nasa loob lang kami ng CCP palipat-lipat ng theaters maghapon (except for few minutes para bumili ng maiinom sa mga food kiosks sa labas). 
5. Kung iniisip mo paano kami kumain? Habang nasa pila. Haha. Nagbaon kami ng maraming sandwich to last us one day- at least for lunch and meryenda. We only had formal meal at 12mn, after the whole day of sandwich and 5 films.
6. Sulit din kasi nakita ko malapitan si Coco Martin, Angel Locsin at Bela Padilla (not to mention several other character actors na kilala rin natin). Masaya makigulo sa pila, aura dito aura doon, selfies, groupies and all the crazy things we do with our cameras.

Noong sabado, nagsimula akong manuod sa TV ng Rio Olympics opening at 7am. Natapos akong manuod at 11pm sa CCP. Sumakit ang ulo ko pero umuwi akong masaya. Nakangiti ako habang sinusulat ito. :)

#Kusina
#Dagsin
#Tuos
#PamilyaOrdinaryo
#IAMERICA

8 comments:

yccos said...

I missed this year's Cinemalaya. I can't even find time to go to an Ayala Cinema! Hindi ko tuloy maibandera ang student id ko for the discount. Hahaha

Cinemalaya going mainstream is a good thing, it makes Filipinos patronize Filipino films, see the Filipino culture in a film setting... The bad thing is, marami nang kaagaw sa pila. Hahaha...

jonathan said...

Once lang ako nakapanood ng sine sa Cinemalaya and I enjoyed that night. Grabe at ang daming pinanood sa isang araw at duon na kumain. Best naman kasi nga magkakasama kayong magkakaibigan. The company counts, and while you enjoy the movies, and the fun stuff of queueing and others.

Pepe v2.0 said...

@yccos, you can still catch up if you like. Festival is until this weekend pa.

And true, during the early years of cinemalaya, less hassle because crowd is smaller. But we should be thankful that more people patronize indie now. Crowded at CCP yes but it is a new kind of adventure. :)

Pepe v2.0 said...

@jonathan, oo sa dami ng pinanuod namin (at kulang ako sa tulog), sunakit ang ulo ko on the 4th film. Hahaha. Nakaidlip ako ng konti habang sila nanunuod. :)

Masaya rin ako na marami akong kasama ngayon. Samantalang dati, hirap na hirap ako maghanap ng pwede makasama kasi di nila trip ang ganito. Preferences are changing and finding the right gang makes it a lot enjoyable for me.

jep buendia said...

ang saya naman ng event nyo na yan, never pa ako nakapanuod ng mga films ng Cinemalaya...

bakit nga pala ganun?... matagal ko na gustong subaybayan ang blog mo na ito, pero sa tuwing isi-save ko ang url para idagdag sa listahan ng sinusubaybayan kong blog, laging error, i-check daw kung tama ang url etc...

anu kaya ang solusyon?...

Arvin U. de la Peña said...

kung nandiyan lang ako siguro manonood din ako...

Pepe v2.0 said...

@jep, next year subukan mo, jul-aug usually.

Re URL- hala di ko masagot. Ako kasi copy paste lang ng url ginagawa ko kaya ok naman. Salamat!

Pepe v2.0 said...

@Arvin, ah i see. Antayin mo na lang baka may irelease dyan sa kung nasaan ka man. Hehe.

Post a Comment

talk to me: like fireflies to the moon.