Quote of the Month

August, 2013: lost in space- "...you are the one thing that keeps me smiling, that's why i'm always wishing hard for you. 'cause your light shines so bright, i don't feel no solitude. you are my first star at night, i'd be lost in space without you." - Lighthouse Family

Monday, July 25, 2016

#AninoSaLikodNgBuwan

Anino Sa Likod Ng Buwan



4.7/5
Suportahan po natin ang isang mahusay na pelikulang pilipino. #AninoSaLikodNgBuwan

(contains spoilers, you are warned)

Ganito talaga 'yong mga klase ng pelikula na masasabi kong mahusay. Sana mapanuod nyo bago pa ma-pull out from cinemas (alam nyo na, aldub o vice ganda o enteng o kathniel movies lang ang nagtatagal sa moviehouses.)

'Yong 15-minute explicit scene ni LJ Reyes at Luis Alandy sa gitnang bahagi ng movie, doon pa lang naubos na 'yong dala kong inumin. Kahit maulan, 'di kinaya ng aircon ng cinema. Feeling ko walang humihinga sa loob ng sinehan at puro lang lunok ng laway. Sa sobrang galing, kahit 15 mins na 'yon e napa-wish ako na sana buong pelikula ganun na lang. Pero mas matitindi pa pala 'yong mga susunod na parte ng kuwento. 

Eto yong klase ng pelikula na kahit tatatlo lang ang characters e hindi mo bibitawan ang bawat eksena, na ang tatlong boses e sapat na para lunurin ka. Na kahit ang buong pelikula e umikot lang sa apat na sulok ng isang kubo e ang lawak ng isiping ibinigay ng pelikula sa akin. At bukod doon sa bed scene (teka di lang pala bed may bintana/dingding/papag scenes din. sayang nga kasi walang tarangkahan o dirty kitchen scenes ganun. o kaya para mas maitaas pa ang level of artistry and difficulty e sana meron ding eskaparate o sa-ilalim-ng-altar scenes), ang isa pa sa pinaka nagustuhan ko sa pelikula e makikinig ka talaga sa mga linya- matalinhaga, may lalim, matulain paminsan pero ang konteksto ay totoo, brutal, tumatagos at mapapaisip ka- saan ka nga ba nakapanig sa maraming isyung pinaglalabanan? 

Matapos ma-resolve ang conflict sa plot, tinapos ang pelikula sa pamamagitan ng isang malakas na putok ng baril na nakatutok sa manunuod. 

The screen turned totally blank, walang dramatic soundtrack at lalong walang ending credits. Dalawa ang naiwan sa ere:
1. yong nakaririnding katahimikan, eerie long silence, sa sobrang tahimik pakiramdam ko umuugong sa tenga ko yong tunog ng blue screen ng TV na naiwang nakabukas sa madaling araw.
2. tapos ako, nakabitin, napapag-isip ng malalim at tinitimbang kung gaano nasagi ng kwento ang sarili kong mga kahinaan.

P.S. Tapos binalik-balikan talaga ng imahinasyon ko 'yong bed scene. Panalo. 5/5 'yong part na 'yon. :D

8 comments:

jonathan said...

Hahanap ng kopya at panonoorin. I do like movies where I get to think, deeply while studying the characters thoroughly. I immerse myself by choosing a character so I can feel the movie. Salamat sa review. May bayad ba ito? Hahaha.

lucas said...

Where is this screening? Nacurious ako dun sa bed scene. Haha. Scientific ba ang execution? Anyway, may inaabangan din ako, Ang Kwento nating Dalawa. There's gonna be a limited screening soon, pero it's be

Pepe v2.0 said...

Hahaha! How I wish may bayad! LOL Kusang-loob lang po para makatulong na maipromote ang mga ganitong obra.

Pepe v2.0 said...

@Lucas, limited screening din ito, Galle, Gateway and some others. You can also check their fb page.

Jun Lana directed the film very well. Bed scene- scientific execution? All i know is I wished for more. Hahahaha

Abangan ko rin yang Ang Kuwento Nating Dalawa.

Anonymous said...

Sana may screening din dito sa Cebu :) This could prolly be a good stress reliever na movie

Pepe v2.0 said...

@Simon, sayang limited screening lang. If you need your diversion from stress, watching this kind of movie is a sure thing. Dadalhin ka ng movie sa kwento, makakalimutan mong nanunuod ka lang at hindi bahagi o isa sa mga karakter ng kwento. :)

Mr. Tripster said...

Hirap naman kapag nandito ako sa ibang bansa. Although yung Filipino community dito the provide screening ng mga pinoy movies sa theatres, pero puro mga mainstream- you know, the usual vice ganda movie, aldub, kathniel, kris aquino (QUE HORROR!), etc. mainstream 120 minute movie-kuno-but-in-fact-it's-a-120-minute-commercial-full-of-goodamn-useless-shameless-endorsement-scenes.

Kung makarating man ang mga good quality movies ng Pilipinas dito, usually na screen yon sa Venice Film Festival or Roma Film Festival. Eh pakshet naman, kelangan ko pa magbayad ng pass, buy a suit at rumampa sa red carpet. Char! hahaha!

Pepe v2.0 said...

@Mr. Tripster, ok na ako sa red carpet event paminsan-minsan. Hahaha. Masaya 'yon.

Post a Comment

talk to me: like fireflies to the moon.